Monday, June 11, 2018

Sardines Noodles (Sosyal Version)



💓 SARDINAS 💓




Hindi ako nagsasawa sa lasa nito. 😁 Pinakamasarap pa dito e 'yung haluan ng kalamansi at fresh sibuyas, tapos ipa-ibabaw sa mainit na kanin! Ugh~ SARAP!!! 💗

Kina-adikan ko 'to mula nung lumuwas ako ng Manila para mag-work at aral. Nakatira ako sa All-Girls-Dorm 'nun at ang allowed lang na pang-luto e Rice Cooker at Electric na pang-init ng tubig. 💢 Struggle is real. Kaya pa-instant oats at de lata lang talaga ako 'nun. 💔


After 2 years... Nakalipat din ako sa wakas! This time, naka-studio unit na 'ko. May kitchenette na at nakakaluto na ako ng medyo-bongga. 😆 TARAAAAAY, Level up! 😂

Cookie! 💓 /Fangirl Screaaaams/

Sorry, hindi kasi talaga ako magaling mag-luto. Kailangan ko ito para kumain at mabuhay! LOL. Hindi lang talaga ako nabigyan ng talent sa cooking. Pero mahilig ako manuod ng Cooking Shows, lalo na kay G. Ramsay (favorite ko 'yung Kitchen Nightmares).



Heto na nga ang una kong i-share sa inyo.
May Recipe ako na pwede gawin ng mga madalian! BASIC!!! 👄


SARDINES NOODLES
(SOSYAL VERSION) 😍
#MuraNaMasarapPa
#TheRainySeasonCookingShow
@muraitemsditoph
@shadysuperlassie





INGREDIENTS:

> 1 spicy Mega Sardines
> 1 tali ng Misua
> 2 cloves Minced Garlic


> 1 Tablespoon ng Cooking Oil


> 2 cups ng water


> 1 Lemon


Oh Di Ba, B A S I C (except sa Lemon) I wanna make it SOSYAL. 😆

#ILoveCarbiB


PROCEDURE:

1. Paki-toast ang kalahati ng minced garlic sa mainit na mantika.
    Hanguin pagka-Toast. 'Yan ang ating Toppings! 💖


2. Igisa ang kalahati, hanggang sa ito ay Golden Brown at mahalimuyaaak. 😇

3. Ilagay ang Spicy Mega Sardines and stir it for 30 seconds, at a Medium Low Heat.

4. Pour ang 2 cups of water and hintayin na kumulo, at a Medium Heat.

5. Ilagay ang Misua.

6. Pakuluan Ito ng 1 minute, at a Low Medium Heat. Patayin ang kalan, at squeeze ang Lemon (1 teaspoon). Haluin. Infused with Lemon, ganern! 😮

7. Top it with the toasted garlic and Serve! 💓💓💓







B A S I C

PS: 'Yan lang ang ingredients na meron ako sa kitchenette ko. 😶
PPS: Yup, sabi ko nga BASIC. But, I'm always trying my best to cook a good meal for myself. 😇
SHOUTOUT: Salamat sa makaka-appreciate. 💓


I deserve CLAP-CLAP! 💓👏💓



No comments:

Post a Comment