Are you a Globe Broadband customer or planning to be one?
Take time to read this... Para maging aware po tayo sa extra fees and HIDDEN CHARGES.
Para hindi kayo ma-SHOOKT tulad ko.
I'm fine with the Internet Service. However, hindi ako sang-ayon sa FEE na ito.
Here is my situation...
I am renting a studio unit in Taguig. June 1, 2018 nag-inquire ako sa isang mall sa BGC about sa pagpapakabit ng Globe DSL connection (bundle: w/ handset). On the other hand, plano ko magpakabit sa bahay ko (which is sa Region 4A). I asked about the Home-Move / transfer of address process at malinaw na sinabi ng Sales Personnel, "No worries, mam. Wala naman po additional fee ang paglipat ng connection. Wala din naman tayo installation fee, mam. One time modem fee lang po. 2,500 PHP po sa DSL or 4,500 PHP po para sa Fiber connection."
That made me decide na magpakabit sa nirerentahan kong unit at i-move ang connection ko after a month.
June 4, 2018 - Nakareceive ako ng text sa Globe na may nag-visit daw sa unit ko. Buong araw ako nasa unit nun. Pero wala ako natanggap na tawag, text, missed call sa line man ng Globe. Agad akong tumawag sa Globe upang sabihin na wala naman bumisita.
June 5, 2018 - Same thing, missed ko daw yung appointment. Again, wala na naman ako na-receive na kahit isang missed call. Tumawag ulit ako at lahat ng info ko ay tama. Ako na ang nanghingi ng contact number ng line man at ako na ang tumawag!
June 6, 2018 - Sa wakas, nakapunta din... visit ng line man para sa line survey. Ang daming hanash ng line man. Since bagong tayo ang building namin, mahirap daw ikabit ang linya. Sinabi pa nya na "sacrifice" ang pagkakabit nito. Sinabi pa niya na magbibigay na lang daw sya ng extra length ng cable para lang makabit ito sa unit ko. Alam ko na gusto lang niya makahingi ng "extra". Dahil sa ayoko na lang prolong ang agony eh pumayag na lang ako. Nanghingi ng Globe/TM number ang line man. Sinabi niya na hindi niya ako matawagan dahil Smart ang number ko. At this point, nainis na ako. Nanghihingi na nga ng extra, hindi pa ako ma-contact dahil sa Smart ang cellphone number ko. Tapos irereport pa na ako ang naka-miss ng appointment!
June 7, 2018 - Naikabit ang line at nagbayad ako sa line man ng 2,500 PHP para sa DSL modem fee (5 MBPS 1,699 plan), plus 500 PHP sa "extra" na kanyang hinihingi.
July 6, 2018 (6 PM)- Nagpunta ako sa store (same branch - BGC) para magbayad ng first bill. After making the payment, the cashier advised me na tumawag na lang sa hotline nila for the transfer of address request. Closing na daw kasi sila at para hindi na ako maghintay sa queue ng CS sa branch.
Pagkauwi ay tumawag na ako at dun ko na nalaman na may transfer fee! I disagreed at sinabi ko ang sales agreement nung nag-sign up ako last June 1. The CS rep advised me not to create the request at pumunta ako sa store to file a complaint. I visited the FB page ng Globe at dun na ako nag-proceed for the complaint.
I informed my parents about this. Ayaw din naman nila na pahabain pa at sinabing, bayaran na lamang ang nasabing fee. Siya namang hindi ako sumang-ayon! Una, at POS... Sila ang may mali. Pangalawa, hindi tama ang ginawang trabaho ng line man na ako pa ang inereport na nakamiss ng appointment at sabihin daw na "pa-resched.". Pangatlo, extra fees. Wala namang ganun na sinabi sakin sa POS.
Tatlong beses ko na pinalagpas mga kamalian nila. At ngayon, may babayaran na naman? Which is sinabi sa'kin na walang ganung fee?!
Kung sa magulang ko or sa ibang tao "Isang libo lang naman, mag-complaint ka pa?"
Ang point ko, kung patuloy na lang tayo mag-tolerate ng mali, magiging MALI pa din ang gagawin nila sa susunod! May mali din ako, kasi NANIWALA ako at SUMUNOD ako sa kanila. Flashback ka nung niloko ka ng ex mo sa mga walang kwenta nyang mga pangako!
Paggugulan ko ng panahon ito kasi ilang oras na at pera na ang sinayang nila sa'kin. (Payback din pag may time mga mam at ser). THIS IS DEFINITELY NOT A GOOD SERVICE FOR A FIRST TIME CUSTOMER NG GLOBE. Nightmare talaga.
I'm still waiting for a reply. I will update this blog pag may aksyon na ang Globe.
*****************************************************************
UPDATE:
This is as of 07/09...
Walang Resolution at mukhang hindi nila lalakarin ang aking Complaint.
Anything that I can do para makapag-complaint against Breaching Sales Compliance?
Shoot me an e-mail or comment down below...
*****************************************************************
UPDATE: July 10, 2018
Filing a complaint scenario...
First attempt: Ang response nila sa'kin ay ang fees na kailangan bayaran for the change of address. Kaya nga ako nagco-complaint kasi MALI ang info na binigay sa'kin ng Sales Personnel niyo. To add na twice na delayed at may "lagay fee" pa ang mga line man niyo. (shame)
Second attempt: You asked sa'kin ang info at POS, which I was not able to give her name. WALANG NAME TAGS ang mga employees niyo sa Market Market BGC Branch.
Third Attempt: Hindi kayo nag-rereply at ngayon na nag-PM ulit ako, ang final resolution niyo ay kailangan ko makuha name ng lady who did the sale!
Sales Compliance failed at its finest at ako pa ang obliged to get her name!
Ano pa po ba ang gamit ng database niyo kung hindi makuha ang employee ID na nagprocess ng sale sa subscribers niyo?
*****************************************************************
UPDATE: July 11, 2018
As of today July 12, hindi pa na-seen ang message ko at hindi pa ako naka-receive ng text/call from Globe. As you can see, hindi din nila sinabi ang SLA (Service Level Agreement). I presume that'd be in 3 days. I will wait 'til Saturday.
*****************************************************************
UPDATE: July 16, 2018
No Update via FB! Mukhang ayaw talaga gawan ng complaint at resolution ang concern ko.
So, tumawag ako sa CS line nila and a Rep (Anghelito) answered my call.
Feedback: HE WAS EXTREMELY HELPFUL, UNDERSTANDING, and EFFICIENT!
Sa lahat ng nakausap ko through phone, store, FB... Si Anghelito ang pinaka-nakaintindi at nagbigay ng indispensable info sa akin. He was able to assist me with the transfer of service report and willingly escalated my concern. He gave me correct SLAs and gave me expectations sa process as well. He did his best to bring my concern for a callback in 24 hours para ma-resolve ang case ko. He did it smoothly and efficiently!
After our call, I received a text from Globe...
After our call, I received a text from Globe...
I'm looking forward sa positive resolution ng Globe about this issue.
*****************************************************************
No comments:
Post a Comment