Isang netizen ang nagbigay ng feedback sa PPM.
Ang sabi niya sa kanyang post,
"DO NOT JOIN PLANPROMATRIX WHY? BECAUSE IT'S A PYRAMIDING SCAM.
Last month I decided to join PlanProMatrix, medyo nakumbinse ako sa mga posts ng mga members na pinopost ang mga pay-out. (which is common sa networking) at para makapagbigay ako ng HONEST FEEDBACK tungkol sa PPM (PlanProMatrix). Para sa mga adik sa PPM, hindi ako naninira ng negosyo, ito ay HONEST feedback at review from PPM member.
First time ko nalaman na may networking + data entry pala. Nakaka enganyo dahil data entry yan. Madali lang yan. Simpleng pag type, kikita ka na. Pero teka lang, may mga napansin akong mga BUTAS sa PPM at kabalastugan na pinopost ng "ibang" members.
1. MATAGAL ACTIVATION NG ACCOUNT
So kung magbabayad ka directly sa bank account ni PPM, aabutin ka ng 3 days to 1 week bago maactivate ang account mo. Ganyan katagal. Pero syempre hindi yan sasabihin sayo ng mga uplines or sponsor mo. Common sense, pag sinabi nila yan, syempre hindi ka na sasali di ba?
But wait there's more...
Kung gusto mo ng mabilisan na pag activate like within a day, pwede ka rin naman bumili ng activation codes from PPM members. Ok yan pero prone yan sa scam dahil hindi ka mismo magbabayad sa PPM kundi sa account mismo ng PPM member. Madali magkunwari kaya doble ingat ang kelangan.
2. MATAGAL PAG-LINK NG DATA ENTRY SOFTWARE SA PPM ACCOUNT
In my experience, umabot ng 3 days bago malink ang account sa data entry software. So kung atat ka sa data entry, siguradong maiinis ka lang. Hindi porket activated na account mo, pwede ka na mag data entry agad. Syempre sasabihin sayo ng upline mo, "patience is a virtue" kuno.
3. MATAGAL LUMABAS ANG IMAGES SA DATA ENTRY SOFTWARE
Dito yata ako nabanas ng todo. Syempre tuwa ka na dahil makakatype ka na. Pero SOBRANG TAGAL lumabas ang captcha codes or images sa data entry software. Stable ang internet connection ko at mabilis. Kahit naka turn off ang antivirus, nothing happened. Maghihintay ka ng at least 1 minute bago lumabas ang next captcha. Sino ba hindi mababanas?
4. MATAGAL SA PAG UPDATE NG EARNINGS FROM DATA ENTRY
So nakakatype ka na sa data entry nakikita mo na lumalabas na ang mga sentimo, pero hindi agad yan magrereflect sa account mo. Kelangan mo muna mag request ng pag update. In my experience, umabot ng 1 week bago nila maupdate. Galing di ba?
5. REFRESH, REFRESH, REFRESH
I-ready mo na ang daliri mo para pindutin ang F5. Sa bawat punta mo sa mga pages ng website nila, kelangan mo mag F5 dahil lagi nag eerror. Hindi ko alam kung ginagawan ba nila ng paraan ito o ewan.
6. HIRING "DATA ENCODER" SCHEME
Ginagamit yan ng mga ibang PPM members para makapang-hikayat ng mga tao na sumali sa kanila. Ang HIRING ay pang-trabaho lang. May kontrata, may surebol na sweldo sa kinsenas katapusan. Pero inaabuso ito ng mga ibang members na UHAW na UHAW sa downlines.
Uy trabaho! Pero magugulat ka kelangan mo pa magbayad ng 600 pesos bago ka maging data encoder! Teka, hindi yan trabaho. Negosyo yan. Ang trabaho at negosyo ay MAGKA-IBA!!!
Kaya kung makita ka na HIRING DATA ENCODER magtanong ka muna kung NETWORKING BA YAN or totoong TRABAHO.
7. WALANG KWENTANG FACEBOOK PAGE
Nagulat ako kasi hindi daw sila nagrereply sa mga inquiries at concerns ng mga member nila dun sa facebook page. Teka lang. kaya nga ginawa ang facebook page para mag post ng mga announcements, at sumagot sa mga tanong. Sabi nila thru email lang daw. Pero kahit sa email, hindi sila sumasagot. Why? Parang nagpapakasarap yata ang dalawang bossing sa mga pera ng mga members.
Mayaman na ang PlanProMatrix, marami na silang members. Pero bakit kaya wala silang kakayahan na magkaroon ng customer service team or technical team para maghandle ng mga tanong galing sa members? Dagdag gastos ba? Tipid tipid din ba
8. WALA SILANG OPISINA
Hindi ba kataka taka kung baket wala silang opisina? Pano pag nagkaproblema? Saan tatakbo ang mga members? Eh walang opisina? Mahirap naman yata na sabihin na LEGIT kayo kung wala man lang kayong PHYSICAL ADDRESS. Hindi kayo nasagot sa fb page, sa email, wala rin kayong opisina? Nga Nga.
Well, anyway, yan ang mga feedback ko para sa PPM. Nga pala, kung iniisip mo na malaki kikitain mo sa data entry lang? Nagkakamali ka. Networking is still networking. Kelangan mo mag recruit ng madami para dumami din ang kita mo. Wag po tayo masyado magloko sa mga ibang members na nagsasabi na kikita ka ng malaki sa data entry lang. Mababa lang ang rates sa bawat captcha codes. Wala pa po sa sentimo tapos samahan mo pa ng matagal na paglabas ng mga captcha codes.
#Repost #JasmineGonzales"
Heto ang link sa kanyang post: PPM Feedback: Honest Review (by Ms. Kimberly Estiva Cayme)
No comments:
Post a Comment